Sabado, Oktubre 17, 2015

Idyolek ni Heneral Antonio Luna sa pelikulang Heneral Luna

       Ang idyolek ay isang varayti ng wika na ginagamit ng indibidwal sa personal na kakayahan ng pagsasalita. Ito ay ang paraan sa pagsasalita ng isang indibidwal o isang pangkat ng tao at ito rin ang indibidwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang salita. Sa madaling sabi, ito ay ang wikang unique sa bawat tao.

Unique at kakaiba ang paggamit ni Heneral Luna ng wika sapagkat ito ay pabalbal na Tagalog, may halong Espanyol at hindi masyadong pormal ang ginagamit niyang mga pahayag. Mayroong malalalim na kahulugan ang mga salita niya ngunit maiintindihan pa rin ang mga ito, ang pagbabato niya ng salita ay diretso sa punto, malawak at makapangyarihan ang mga salitang kanyang maingat na pinili.

Ilang halimbawa nito ay ang sinabi niyang, "Hindi ko asawa ang gera, crush ko siya." at "Mas madaling pagkasunduin ang langit at lupa kaysa sa dalawang Pilipino sa alinmang bagay."

Pinagsama-sama ni Heneral Luna ang mga wikang nalalaman niya sa isang pangungusap na sakto at tumpak para sa ilang tiyak na sandali, kagaya ng kanyang nakagawian at nakasanayan na. Ang mga ganitong kasanayan ay hindi basta-basta lang niyang nakuha sapagkat ito'y dumaan sa pagsisikap at pag-aaral noong maliit pa lamang siya. Ito'y nakuha rinn niya sa lahat ng napag-aralan niya sa buhay, eskuwela, sa Europa, at lalong-lalo na, sa kanyang pagmamasid sa kapwa niya, sundalo man o bahagi ng gabinete. 

Halimbawa nito ay:

1. "Nang manganib ang Espanya ay lumipat ka kaagad ng bakod, ngayon tayo naman ang nanganganib ay nakikisiping ka sa bandila ng Amerika." 
2. "Kaawa-awang mga sundalo ng Kawit, nasa maling ulo ang utak ng inyong pinuno."
Kasama sa mga mura na binibitawan niya ay matinding pagmamahal sa bayan, ang Pilipinas, at gagawin niya ang kailangan niyang gawin upang maabot  ang kanyang minimithi. Katulad nina Jose Rizal at Andres Bonifacio, siya ay maaaring tawaging konsistent sa salita at gawa. Ang katangian na konsistent ay nakakaapekto rin  sa idyolek ni Heneral Luna.

Mula kina:

Dionisio, Jabie Joy
Jao, Stephanie Ann
Kong, Karine Trisha
Leonardo, Cristine Joyce
Santos, Bea Alexandra
Santos, Igan Vincent
Valderama, Maricar
Viloria, Frances Coleen


BSE-TCSL, PCC, Unang Semestre, Akademikong Taon 2015-2016



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento