Sabado, Oktubre 17, 2015

Modang Pasulat

Sa pelikulang Heneral Luna, isa sa pinakamahalagang pamamaraan ng komunikasyon ay sa pamamagitan ng isang liham. Dito naipakita kung gaano kamakapangyarihan ang isang liham. Naipakita rin dito na sa bawat bagay na isinusulat nila ay may direktang tao na pinatutungkulan tungo sa pagbuo ng isang kongkreto at makabuluhang mensahe.Ilan sa mga eksena sa Heneral Luna ay nagpapakita sa kabuluhan ng paggamit sa liham;





I. Nang magpadala ng isang liham si Heneral Luna kay Kapitan Pedro Janolino. Dito naipakita kung gaano kamakapangyarihan ang sulat ng mga panahong iyon. Sa liham na iyon ay nagsasaad ng isang kautusan, ipinag-utos  ni Heneral Luna na maghanda sina Kapitan Pedro Janolino at ang kanyang mga kasamahan para sa paghahanda laban sa mga Amerikanong sundalo . Ngunit hindi sumunod si Kapitan Pedro Janolino sa kadahilanang makikinig lamang siya kay Presidente Emilio Aguinaldo o di kaya ay kay Heneral Tomas Maskardo. Kaya si Heneral Luna na mismo ang nagpunta sa kanya. Samakatuwid, ang liham na ito ni Heneral Luna ay napakahalaga sapagkat ito ay nagbibigay ng isang kautusan.





II. Nang magpadala si Heneral Luna ng isang liham na nagsasaad na bumalik si Heneral Mascardo sa kanyang destino upang makapaghanda sa gagawing paglusob ng mga Pilipino sa mga Amerikanong sundalo, sa liham na ito ay naipakita kung gaano kahalaga ang isang pag-uutos mula sa heneral na nanghihikayat ng pakikipagtulungan. Ngunit dahil sa hindi ang presidente (Emilio Aguinaldo) ang nag-utos ay binalewala ito ni Heneral Mascardo, bagkus ay nakisaya pa ito sa piesta sa Pampanga. At dahil ilang liham na ang ipinadala at hindi pa rin pinansin at sinunod ni Heneral Mascardo ang mga ito ay tuluyan nang nagalit si Heneral Luna. Siya mismo ang nagpunta sa Pampanga upang makaharap si Heneral Mascardo. Ang liham na ito ay isang panghihikayat na  kailangan ang pakikipag-ugnayan at kooperasyon ni Heneral Mascardo kay Heneral Luna.





III. Ang malupit na pagpaslang kay Heneral Luna. Isang sulat ang natanggap ni Henerel Luna mula kay Presidente Emilio Aguinaldo na nag-aanyaya kay Heneral Luna na pumunta sa Cabanatuan. Ayon sa sulat na ito, inaanyayahan na dumalo si Heneral Luna sa isang pagtitipon na pagbobotohan na ang bagong  kakatawan sa gabinete. Ang impormasyon na ito ay may simbolo o tatak na liham mismo galing sa Presidente. Sa kabilang dako naman ay ibang sulat naman ang natanggap ng Presidente na nag-iimbita na makipagkita siya kay Heneral Luna. Nang magpunta na si Heneral Luna sa Cabanatuan, Nueva Ecija ay nadatnan niya si Felipe Buencamino na nakaupo sa mismong upuan ng presidente. At dito natin masasaksihan na ang isang liham o sulat ay hindi lang tagahatid ng balita o impormasyon, bagkus ay siya din ang maghahatid sa iyo sa kapahamakan o masaklap na kapalaran at maging sa kamatayan.




Mula kina:

Angga, Mary Angeli
Castanos,
Kimberly Monique
Cantela,
Elmarie
Delos Santos,
Darelyn
Gipit,
Jonalyn
Padrilan,
Irish
Tual,
Charlene
Tual, Christoper





BSE-TCSL, PCC, Unang Semestre, Akademikong Taon 2015-2016

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento