Maraming
magandang katangian ang pelikulang “Heneral Luna” Masasabi naming ang
pinakaagaw-pansing katangian nito ay ang maganda nitong iskrip. Makikita rito
ang napakagandang paggamit ng wika at ang kapangyarihang taglay ng bawat linya.
Binuksan ng pelikulang ito ang ating mga mata kung gaano kaganda ang
sarili nating wika, ang Tagalog na ngayon ay tinatawag nang Filipino. Hindi
lamang ipinakita ng pelikula na ang wika ay nakakapagpahayag ng damdamin kung
hindi ipinakita rin dito, na maaari itong ipahayag sa matalinghagang paraan
habang ito’y maiintindihan pa rin.
Sa tagpong magkasama sina Heneral Luna at Isabel, may pagkakataon na
sinabi ni Isabel na: “Digmaan ang iyong asawa, ako lamang ay iyong querida” at ang
sagot naman ng heneral ay: “Hindi ko asawa ang digmaan, crush lang”. Hindi ba’t
napakaganda sa pandinig ng palitang ito at nakakaaliw din pakinggan?
Mapapansin na ang bawat linya ni Heneral Luna sa kabuuan ng pelikula ay
nagtataglay ng hindi maubusang awtoridad sa lahat. Hindi man siya ang may
pinakamataas na posisyon, mapapansin na halos lahat ng tao ay nirerespeto siya
at sinusunod. Halimbawa na lamang ay ang tagpong nangangailangan siya ng
napakaraming tao upang maghukay ng trench. Paano siya nakatipon ng mga taong
kailangan niya? Hindi ba’t pumunta siya sa bawat kampo at nagbigay ng kautusan,
kaya nga siya’y tinaguriang ‘Heneral Artikulo Uno’.
Maaaring kadalasan sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Heneral Luna ay
pagbabanta ngunit ang bawat salitang binibitawan niya ay sumisimbolo sa kanyang
awtoridad. Marahas man ang kanyang pananalita ay mababatid dito at madadama
nating lahat ang kanyang nais ipaalam.
Naipakita ng pelikulang Heneral Luna
ang kapangyarihan ng wika dahil nakakatulong ito sa mga tao upang
magkaintindihan at magkaunawaan sila. Tulad na lamang ng tagpo sa Tranvia kung
saan naipakita ang pag-alinlangan ng kasamahan ni Heneral Luna, sapagkat wala
silang kaalaman sa wikang Amerikano. Ngunit, si Heneral Luna ay hindi nagpadaig
at tumugon siya sa sinasabi ng Amerikano gamit ang wikang Pranses pero pareho
silang di magkaintindihan at nahirapan silang unawain ang isa’t isa. Kaya’t sa huli ay nabatid niyang bakit siya
magpapakahirap magsalita sa wikang Amerikano kung mayroong siyang sariling wika
sa sariling bansa. Nagsasalita siya ng wikang banyaga, samantalang naroon siya
sa kanyang sariling bansa.
At ang
huli, masasabi ng aming grupo na talagang epektibo at makapangyarihan ang bawat
wika na ginamit sa pelikula dahil nakakapagdulot ito ng epekto sa amin at sa
bawat manonood sa paraang naipapahayag ang emosyon ng bawat karakter, o taong gumaganap
sa pelikula sa pamamagitan ng kanilang wika. Bagama’t mayroong banyagang wika,
nabigyang-buhay nila ang paggamit ng ating sariling wika sa sarili nating
bansa.
Mula kina:
Baluyot, Angelika Jane
Baroña, Starlene
Cosculla,
DianneChua, Terrence
Dalusung, Pearl
Dean, Danica
Mabulac, Novavilla
Remo, Hannah
Talabong, Rose ann
BSE-TCSL, PCC, Unang Semestre, Akademikong Taon 2015-2016
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento